Matagumpay na isinagawa ngayong araw ang Induction and Oath-Taking Ceremony ng mga bagong halal na opisyal ng School Parent-Teacher Association (SPTA) ng Brooke's Point National High School para sa Taong Panuruan 2026–2027. Pinangunahan ni Municipal Mayor Cesareo R. Benedito Jr. ang panunumpa ng mga opisyal, habang nagbigay naman ng mensahe ng inspirasyon si Dr. Paterno S. Marquez Jr., Public Schools District Supervisor ng South Brooke’s Point District. Dumalo rin sa programa si Principal III Edgardo C. Mutia, kasama ang mga guro, kawani ng paaralan, at mga magulang. Patunay ang gawaing ito sa patuloy na pagtutulungan ng paaralan at mga magulang sa pagtataguyod ng dekalidad na edukasyon para sa kapakanan ng bawat mag-aaral. 📍Brooke's Point National High School Back to News